dzme1530.ph

37K katao, bumisita sa Manila North at South Cemeteries isang linggo bago ang Undas

Loading

Nagsimula nang dumami ang mga bumibisita sa dalawa sa pinakamalaking sementeryo sa bansa, isang linggo bago ang Undas.

Kahapon, tinatayang nasa 30,000 katao ang nagtungo sa Manila North Cemetery, habang 7,000 naman ang bumisita sa Manila South Cemetery upang maglinis ng puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, posibleng umabot sa dalawang milyon ang dadagsa sa sementeryo hanggang sa Nobyembre 1 o All Souls’ Day.

Sinabi ni Manila North Cemetery Director Daniel Tan na nagulat sila kahapon dahil ang inaasahan nilang simula ng dagsa ng mga bisita ay sa Miyerkules, Oktubre 29.

Hanggang ngayong Lunes na lamang aniya papayagan ang paglilinis sa mga puntod, habang hanggang bukas na lamang ang libing.

About The Author