Magpapadala ang National Food Authority (NFA) ng 35,000 na sako ng bigas mula San Jose, Oriental Mindoro patungong Cebu, kung saan ibebenta ito ng ₱20 per kilo.
Ito’y bilang bahagi ng pilot implementation ng programa na naglalayong ibaba ang presyo ng bigas sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang latest shipment ay bahagi ng 100,000 na tig-50 kilos ng sako ng bigas na inorder ni Cebu Governor Gwen Garcia.
Ang unang batch ay dumating sa lalawigan, tatlong linggo na ang nakalipas.