dzme1530.ph

35 katao, nahaharap sa falsification raps kaugnay sa Mindoro oil spill

Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) Environmental Crime Division ng kasong kriminal ang 35 indibidwal bunsod ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ang mga respondent ay nahaharap sa mga reklamong falsification of public documents, paggamit ng palsipikadong mga dokumento, at perjury kaugnay ng pamemeke ng certificate of public convenience.

Kabilang sa mga respondent ang RDC Reield Marine Services, ang kumpanyang may-ari ng MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill; crew ng oil tanker; at personnel ng Philippine Coast Guard, at ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Iginiit naman ng RDC na bago ang kanilang barko at sumunod sila sa lahat ng requirements at proseso na itinakda ng MARINA at classification society ng vessel. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author