![]()
34 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Dubai ang dumating sa bansa, kaninang umaga, kasunod ng pag-uwi ng 299 Filipinos kahapon.
Mag-a-ala sais kanina nang dumating sa NAIA Terminal 3 ang mga OFW, lulan ng Emirates Flight EK 336.
Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang team ng gobyerno sa pagsalubong sa mga umuwing OFW.
Makatatanggap ang mga ito ng assistance at iba’t ibang uri ng suporta mula sa mga ahensya ng pamahalaan.
Sa Facebook post, pinasalamatan ni Cacdac ang airline at gobyerno ng UAE sa ligtas na pagbabalik-bansa ng mga Pinoy, sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
