dzme1530.ph

34 OFWs mula Kuwait, dumating na sa bansa

Panibagong batch ng mga distressed Overseas Filipino workers ang dumating sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) kagabi mula Kuwait.

Ang 34 OFWs ay kasama sa humihiling ng repatriation sa pamahalaan sakay ng flight WY843 na lumapag sa NAIA terminal 1 kung saan sila sinalubong ng OWWA para alalayan sa immigration.

Bukod sa food, and hotel accommodation, ang mga OFW ay binigyan din ng tulong pinansyal ng pamahalaan bago sila umuwi sa kanilang mga probinsya.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang OWWA sa Kuwait Government at sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa pag-alalay upang mapadali ang repatriation sa mga kababayan pabalik ng Pilipinas. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author