dzme1530.ph

32-anyos na lalaki, arestado matapos gahasain ang pamangkin at apo

Loading

Arestado ang isang 32 years old na lalaki matapos gahasain at pagbantaan ang pamangkin at apo sa Camarines Sur.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Dir. MGen. Nicolas Torre III kinilala ang suspek na si alyas “Rommel” na inaresto sa Brgy. Cuayan, Angeles City, Pampanga, kahapon.

Base sa imbestigasyon, makailang beses na hinalay ni alyas Rommel ang kanyang labing apat na taong gulang na pamangkin sa bahay nito sa Brgy. Patitinan sa Sagnay at tinakot na papatayin kapag nagsumbong sa kinauukulan.

Ganito rin ang sinapit ng kanyang labing dalawang taong gulang na apo na limang beses nitong hinalay.

Nag isyu ng warrant of arrest ang Regional Trial Court 5th Judicial Region Branch 30 sa Camarines Sur para madakip ang suspek, na nagtago sa Angeles City, Pampanga, bago nadakip ng mga tauhan ng CIDG.

Nahaharap ngayon sa kasong 5 counts of Statutory Rape, Qualified Sexual Assault ang suspek.

About The Author