Malaki ang pakinabang ng bansa sa paghohost ng 31st Annual Meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF)
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hindi lamang sa usapin ng West Philippine Sea ang sentro ng forum kundi pagtitibayin din dito ang posisyon sa iba’t ibang interes at kooperasyon.
Oportunidad din umano ang Parliamentary Forum para sa Turismo, Pamumuhunan, Edukasyon, Kultura at ibang kooperasyon na magpapasigla sa relasyon ng mga kasaping bansa.
Naniniwala pa si Romualdez na mapapalakas nito ang kandidatura ng Pilipinas para maging bahagi ng United Nations Security Council, at pagkakaroon ng regular representative sa Young Parliamentarians sa loob ng APPF.
Ipinagmalaki rin nito ang mainit na pagtanggap ng Pilipinas sa mga delegado na karamihan ay Policymakers at Legislators sa kani-kanilang bansa.
—Ulat ni Ed Sarto, DZME News