Nakahanda na ang 300,000 na family food packs ng Department of Social Welfare and Development na ipapamahagi para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong Marce.
Sa press briefing ng NDRRMC, sinabi ni DSWD Usec. Diana Rose Calipe, na magmumula ang mga food packs sa halos 1.3 million national stockpile ng ahensya.
Naglabas din ng direktiba si DSWD Sec. Rex Gatchalian na i-activate ang repacking station sa Central Luzon upang mabilis na maihatid ang tulong sa maaapektuhan sa Northern Luzon.
Sa ngayon nagpapatuloy anila ang pagtulong ng ahensiya sa mga nasalanta naman ng bagyong Kristine at Leon. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News