![]()
Inaasahang aabot sa 30,000 ang makikiisa sa Trillion Peso March ng tindig Pilipinas sa February 25 kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power.
Ayon kay Tindig Pilipinas Co-Convenor Francis ‘Kiko’ Aquino Dee, ang kanilang aktibidad ay may temang ‘Tayo ang People Power Laban sa Korapsyon at Dinastiya’.
Sisimulan ito ng 8am sa pamamagitan ng isang prayer march mula sa EDSA Shrine.
Makikiisa sa Trillion Peso March ang mga Catholic Church Groups, Labor Unions at Civil Society Groups.
Sinabi ni Dee na bagama’t nangako ang gobyerno na mananagot ang malalaking isda at makukulong ang mga taong sangkot sa flood control anomalies, ay halos wala pa ring development sa kaso.
Nangangamba rin si Dee na ilan sa mga sangkot ang nakakaiwas sa pananagutan dahil sa pagiging malapit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
