dzme1530.ph

30 wanted person, arestado sa Oplan Pagtugis ng CIDG sa araw at pagkatapos ng eleksyon

Loading

Naging mabunga ang OPLAN PAGTUGIS-manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa 30 wanted person sa mismong araw at pagkatapos ng Halalan 2025.

Sa tala ng CIDG, mula sa nasabing bilang 17 dito ay galing sa Luzon, 5 sa visayas at 8 naman ay galing sa Mindanao.

Ang mga suspek ay sangkot umano sa mga kasong rape, murder, estafa, qualified theft at iba pa.

Pinuri naman ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang CIDG sa mabilis na aksyon.

Binigyang diin nitong ang pagkakaaresto sa mga suspek ang magbibigay daan upang makamit ang hustisya na hiling ng pamilya ng kanilang mga naging biktima.

About The Author