dzme1530.ph

30 migrante, patay matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Canary Island

Nasawi ang nasa 30 migrante matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Atlantic Ocean sa Canary Island.

Ayon sa mga otoridad, animnapung katao ang kabuuang laman ng nasabing bangka.

Narekober ng Spanish Rescue Service Ship na Guardamar Caliope ang bangkay ng isang bata at ilang mga kababaihan.

Agad namang dinala sa ospital ang mga nakaligtas na biktima. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author