dzme1530.ph

30-day break, ipinagkaloob ng DepEd sa mga guro sa pagtatapos ng School Year

Loading

Sa pagtatapos ng School Year 2024-2025, inanunsyo ng Department of Education na (DepEd) na pagkakalooban ang mga guro ng “uninterrupted and flexible” vacation sa loob ng tatlumpung araw.

Ibig sabihin, hindi kailangang gumawa ng mga guro ng school-related task sa mga susunod na linggo.

Batay sa updated guidelines ng DepEd, papayagan ang mga teacher na i-schedule ang kanilang 30-day break sa pagitan ng April 16 hanggang June 1, 2025, nang dire-diretso o pautay-utay.

Saklaw din ng revised order ang mga guro mula sa Alternative Learning System (ALS) at mga direktang involved sa pagtuturo ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Classes.

Ang School Year 2024-2025 na nagsimula noong July 29, 2024 ay magsasara na sa April 15, 2025 habang ang susunod na Academic Year itinakda sa June 16, 2025 hanggang March 31, 2026.

About The Author