Umabot sa 30 billion pesos ang nakolektang taripa mula sa 3.6 million metric tons na inangkat na bigas noong nakaraang taon.
Sa Preliminary Data mula sa Bureau of Customs (BOC) mas mataas ito ng 30 percent kumpara sa 22.8 billion pesos na naitala noong 2022.
Mas mataas din ito ng 20 billion pesos kumpara sa Mandated Annual Appropriation na 10 billion pesos para pondohan ang mga programa para sa farm mechanization, seed development, propagation and promotion, credit assistance at extension services.
–Sa panulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News