dzme1530.ph

30 barangay sa Occidental Mindoro, lubog sa baha dahil sa habagat at bagyong Crising

Loading

Lubog sa baha ang 30 barangay mula sa anim na bayan sa Occidental Mindoro bunsod ng malalakas na pag-ulan na dala ng habagat na pinaigting ng bagyong Crising.

Apektado ang mga bayan ng Rizal, Magsaysay, San Jose, Calintaan, Sablayan, at Mamburao.

Daan-daang ektarya ng palayan ang nalubog sa baha, kabilang na ang mahigit 300 ektarya sa bayan ng Calintaan.

Ayon kay Sally Lamoca, head ng Occidental Mindoro Provincial Social Welfare and Development Office, nasa 345 pamilya o 1,187 katao ang inilikas mula sa mga apektadong lugar.

About The Author