![]()
Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi makadaragdag sa workload ng mga guro ang pag-shift sa three-term school calendar.
Sa Facebook post, tinugunan ng DepEd ang kumakalat na claims tungkol sa dagdag na paperwork, mas mabigat na workload, mas kaunting breaks, at pagbaba ng academic standards.
Sa katunayan, sinabi ng ahensya na ang bagong istruktura ay magbibigay ng dedicated time para sa grading at administrative tasks.
Binigyang diin ng DepEd na hindi ito dagdag na trabaho kundi mas maayos na oras ng pagtuturo at pag-aaral.
Idinagdag ng kagawaran na sa ilalim ng three-term system, tatlo lamang ang grading cycles kaya mas madaling i-manage ang workload.
