dzme1530.ph

3 resolusyon, pinagtibay ng HRep para sa mga atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics

Pormal na pinagtibay ng Kamara de Representantes ang 3 resolusyon na nagbibigay pugay kina Olympic Double Gold Medalist Carlos Yulo, Bronze medalist Nesthy Petecio, Aira Villegas at lahat ng Philippine Delegations sa 2024 Summer Olympic sa Paris, France.

Ginawaran din ng Congressional Medal of Distinction si Petecio na nakamit ang tansong medalya sa 57-kilogram, at si Villegas naman sa 50-kilogram boxing competition.

Nitong nagdaang linggo in-adopt din ng Kamara ang HR no. 1864 para igawad kay Yulo ang Congressional Medal of Excellence, ang pinaka mataas na parangal na ibinibigay lamang sa isang Filipino achiever sa sports, business, medicine, science at arts and culture.

Ang HR no. 1915 ay para kay Petecio; HR no. 1916 naman kay Villegas, samantalang ang HR no. 1917 ay pagkilala sa lahat ng Pinoy athletes na lumaban sa Paris Olympics.

Sa kabuuhan, 22 world-class athletes ang nag-compete sa siyam na sporting events, na nag-produced ng 4 na medalya, ang 2 ginto ni Yulo mula sa artistic gymnastic, at tig-isang tanso sina Petecio at Villegas mula sa boxing.

Pagkakalooban din ng ₱6-M cash reward si Yulo, tig- ₱1-M sina Petecio at Villegas, habang ang 19 na iba pang atleta ay inaasahang bibigyan din ng cash incentives sa hindi pa tukoy na halaga.

About The Author