dzme1530.ph

3 magkakahiwalay na sunog sa Bulacan, naitala sa unang weekend ng Fire Prevention Month

Sumiklab ang sunog sa mga Bayan ng Bocaue, Plaridel, at San Rafael sa Bulacan, sa unang weekend ng Fire Prevention Month.

Nilamon ng apoy ang residential area sa Sitio Bihunan, Barangay Biñang 1st, noong Sabado ng gabi, kung saan mahigit 50 kabahayan na gawa sa light materials ang naapektuhan.

Sa Plaridel naman, isang warehouse ng motorcycle parts ang nasunog sa industrial park sa Barangay Parulan noong Sabado ng hapon at madaling araw kahapon nang tuluyang maapula.

Samantala, grass fire naman ang naminsala malapit sa pagawaan ng mga paputok sa Barangay Moronquillo sa San Rafael, kahapon, kung saan nadamay ang explosive materials na nasa labas ng pabrika.

About The Author