dzme1530.ph

3-M manggagawa, kakailanganin sa mga nakalinyang infrastructure projects ng administrasyon

Nasa tatlong milyong manggagawa ang kakailanganin para sa mga naka-linyang proyekto sa imprastraktura ng administrasyong Marcos.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan na ngayong 2023 pa lamang ay nasa mahigit P800-B na ang inilaan para sa capital outlays.

Nasa 7,000 small at big contracts na rin sa buong bansa ang ipinatutupad na.

Kaugnay dito, sinabi ni Bonoan na mahigit 3-M labor workforce ang kakailanganin sa mga proyekto, kabilang ang skilled at unskilled workers.

Sa susunod na taon din umano ay magsisimula na ang mega infrastructure development projects ng gobyerno.

Kabilang sa mga naka-linyang malalaking proyekto sa imprastraktura ay ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport, Bataan-Cavite Interlink Bridge, Metro Cebu Expressway, UP-PGH cancer Center, at marami pang iba. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author