dzme1530.ph

3 kilalang stakeholders ng NAIA, nag-alok ng tulong sa gobyerno

Nag-alok ng libreng tulong ang tatlong kilalang airport stakeholders para mapabilis ang pagproseso ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang hindi na kailangang magtaas ng terminal fee sa travelers.

Kaugnay nito, plano ng grupo na lagyan ng automated biometrics and common use self-service (CUSS) systems and equipment, gayundin ng self-service check-in and bag drop, karagdagang E-Gates at automated flight boarding ang NAIA terminals.

Partikular na nagsusulong nito ang Veteran Ground Handlers Data, Inc., Philippine Subsidiary of the United Arab Emirates’ data at Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc. (PAGSS), gayundin ang E-Gate provider ng Bureau of Immigration na Ascent Solutions Philippines, Inc.

Anila, sa pamamagitan nito, milyun-milyong mga pasahero ang makikinabang sa mas mabilis na proseso ng kanilang biyahe.

Sa ganitong paraan din ay mapapaluwag o madedecongest ang paliparan.

Ayon kay PAGSS President Janette Cordero, wala silang hihilinging na anumang bayad kung kaya’t umaasa sila na papaboran ng pamahalaan ang kanilang ino-offer na libreng tulong. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author