Matagumpay ang isinagawang drug buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) matapos masakote ang tatlong high-value individuals sa Parañaque City.
Ayon kay PDEG Director BGen. Edwin Quilates, isinagawa ang operasyon sa Barangay Tambo, Parañaque City kung saan naaresto sina alyas “Abdhul,” “Nora,” at “Samera.”
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱2,040,000.
Nasa kustodiya na ng Parañaque Police Station ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.