dzme1530.ph

3 Coop. Agreements ng Australia at Pilipinas, inaasahang mase-selyuhan sa 2-day trip ng Pangulo sa Canberra

Inaasahang mase-selyuhan ang tatlong kasunduan sa kooperasyon ng Pilipinas at Australia, sa dalawang araw na biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Canberra.

Sa kanyang departure speech sa Villamor Airbase sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na gagamitin niyang oportunidad ang pag-bisita para palawakin pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Marcos na ilalatag niya sa Australian Parliament ang commitments sa partnership, gayundin ang malaking potensyal sa trade and investment na paiigtingin sa mga darating na taon.

Kikilalanin din ang lumalakas na relasyon sa depensa at seguridad kaakibat ng Visiting Forces Agreement ng dalawang bansa, kasunod na rin ng matagumpay nilang maritime activities at exercises noong nakaraang taon.

Umaasa si Marcos na iu-uwi niya sa bansa ang mas mainit at mas masiglang relasyon ng Pilipinas at Australia.

About The Author