dzme1530.ph

3 co-accused ni Pastor Quiboloy, nakalaya matapos mag-piyansa

Tatlo sa mga co-accused ni Kingdom of Jesus Christ Leader Apollo Quiboloy ang pansamantalang nakalaya matapos payagan ng lokal na korte na mag-piyansa ng ₱80,000.

Ayon kay Police Regional Office 11 Public Information Office Chief, Major Catherine dela Rey, agad inayos ng mga abogado ang piyansa nina Cresente Canada, Paulene Canada, at Sylvia Camanes, pagkatapos nilang sumuko sa tanggapan ng NBI sa Davao.

Bago ito, sinabi ni dela Rey na nagtungo ang mga tauhan ng NBI, kasama ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, sa Brgy. Tamayong para isilbi ang warrant of arrest sa tatlo na nagresulta sa kanilang pagsuko.

Nananatili namang at-large sina Quiboloy, Jackiely Roy, at Ingrid Canada na kinasuhan ng paglabag sa anti-child abuse law, partikular ang probisyon sa sexual abuse of minors and maltreatment.

About The Author