dzme1530.ph

3-buwang moratorium sa pagtaas ng presyo ng oil products, iminungkahi ni House Speaker Romualdez

Inirekomenda ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapatupad ng tatlong buwang moratorium sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang naging posisyon ng Kamara sa kauna-unahang consultative meeting na inorganisa ni Speaker Romualdez kasama ang Department of Energy at mga kinatawan ng malalaki at maliliit o independent oil players sa bansa.

Ayon kay Romualdez, hanggang buwan lang ng Disyembre ang kanyang pakiusap sa mga oil players na hwag munang magpatupad ng oil price hike dahil lubha na itong pabigat sa taumbayan.

Hindi naman makapag-commit agad ang mga kinatawan ng oil companies sa hiling ng Kamara, dahil ikukunsulta muna nila ito sa kanilang mga opisyal.

Kung pansamantalang ihihinto ang koleksyon ng Excise Tax sa petroleum products, bababa ng P10 ang kada litro ng gasoline habang P6 naman sa kada litro ng krudo, pero papalo sa P14-B ang mawawalang kita sa panig ng pamahalaan.

Bukod sa moratoreum, pinakikilos na rin ni Romualdez ang energy panel kaugnay sa pagrepaso o tuluyang pagbasura sa Downstream Oil Deregulation Law. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author