Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tatlong batas para sa military veterans, micro, small and medium enterprises (MSMEs), at pagpapaunlad ng kultura.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaprubahan na ni Marcos ang Republic Act no. 11958 para sa Monthly Disability Pension ng veterans, na disabled na dahil sa karamdaman, sugat, o injuries na natamo sa gitna ng pagganap sa tungkulin.
Aprubado na rin ang RA no. 11960 o ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act, para sa pagtataguyod ng self-reliant at independent national economy, at pagbibigay ng sapat na suporta sa local MSMEs.
Inaprubahan din ang RA no. 11961 na magpapaigting ng pangangalaga sa Philippine Cultural Heritage sa pamamagitan ng cultural mapping at pinalakas na cultural heritage education.
Sa kabila nito, sinabi ng PCO na sa Martes pa isusumite ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Senado at Kamara ang transmittal letters na magno-notify na aprubado na ng Pangulo ang tatlong batas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News