dzme1530.ph

3 arestado sa magkahiwalay na drug ops; ₱6.7-M halaga ng shabu, nasabat

Loading

Tatlong katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Bohol.

Sa Baliwag City, Bulacan, naaresto ng mga tauhan ng Baliwag City Police ang isang high-value individual sa ikinasang buy-bust operation.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Rex,” 45 taong gulang at residente ng Brgy. Sto. Cristo, Baliwag City.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 475.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3.2 milyon.

Samantala, sa hiwalay na operasyon ng PNP Drug Enforcement Group sa Bohol, naaresto rin ang dalawang lalaki sa isa pang buy-bust operation. Nakilala ang mga suspek sa mga alyas na “Wel” at “Botyok.”

Nakuha sa kanila ang tinatayang 520 gramo ng shabu na may halagang ₱3.5 milyon.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About The Author