dzme1530.ph

2ND BATCH NG BINI, NAKAALIS NA PATUNGONG LOS ANGELES PARA SA COACHELLA DEBUT

Loading

Lumipad na ang iba pang miyembro ng BINI na sina Jhoanna, Colet, Mikha, at Sheena patungong Los Angeles, California, bago ang kanilang debut appearance sa Coachella Valley Music and Arts Festival.

 

Ibinahagi ng BINI sa kanilang social media platforms, pati na ang kanilang label na Star Magic, ang ilang litrato ng 2nd batch ng mga miyembro ng girl group habang nasa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.

 

Kasama nila ang kanilang manager na si MQ Mallari at voice coach na si Anna Graham.

 

Una nang dumating sa Los Angeles sina BINI Aiah, Maloi, Stacey, at Gwen, kung saan mainit silang sinalubong ng kanilang US-based fans.

 

Nakatakdang mag-perform ang P-pop powerhouse sa Coachella sa April 10 at 17 o April 11 at 18 dito sa Pilipinas.

 

Gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino homegrown act na magtatanghal sa naturang festival.

About The Author