Kinumpima ng Department of Tourism (DOT) na naabot na ng Pilipinas ang 2 million tourist arrivals ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco pumalo na sa 2,010, 522 o 94.21% ng kabuuang international arrivals na pawang mga foreign tourists habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan.
Kaugnay nito, binanggit din ni Sec. Frasco, na pumalo na sa P157. 62-B ang revenue ng bansa mula sa turismo sa unang tatlong buwan pa lamang ng 2024.
Ikinatuwa naman ni Frasco ang pagsisikap ng mga stakeholders ibat ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sector sa pagtutulungan kung saan nagbunga ng magagandang numero para sa industriya ng turismo.
Giit nito, nakikita aniya ang trajectory ng tourist arrival ngayong taon at umaasa ang kalihim na mas maraming investment para sa turismo at tataas pa ang nabanggit na numero.
Binigyan diin ng kalihim na kayang maabot ng ahensiya ang target nitong 7.7 million tourist arrivals ngayong taon kung saan naitala ng DOT ang 8.26 million bisita noog 2019.