Pinalaya na ng Myanmar Military Government o Junta ang mahigit 2,000 political prisoners na kinabibilangan ng ilang journalists at aktibista bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Wesak, isang major Buddhist holiday.
Sa report ng Myanmar State Television (MRTV), 2153 na hinatulan ng “incitement” ang pinalaya ng mga otoridad ngunit pinagbantaan na muling aarestuhin at bibigyan ng karagdagang sentensya sakaling maulit ang pagkakasala.
Mula nang ibagsak ang elected government ng Myanmar noong 2021, libu-libong mga aktibista at rights group ang kinundena ng mga militar at pinatawan ng Western sanctions.
Nabatid na ayon sa Assistance Association for Political Prisoners (AAPP), hindi bababa sa 17,897 katao ang nakulong at 3,452 ang pinatay ng security forces. —sa panulat ni Jam Tarrayo