dzme1530.ph

299 PINOY, NAIUWI NA SA BANSA GITNA NG KAGULUHAN SA MIDDLE EAST

Loading

Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang 299 Pilipino na apektado ng giyera sa Middle East.

 

Dumating ang grupo sa NAIA Terminal 3 mula Dubai sa pamamagitan ng Emirates Airlines Flight 336.

 

Ilan sa kanila ay umuwi na ng Pilipinas para sa kanilang kaligtasan at seguridad ayon sa payo ng kanilang mga amo.

 

May mga OFW na nakatapos ng kanilang kontrata, at may mga umuuwi rin dahil sa personal na kadahilanan.

 

Pinangunahan ni migrant workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa mga OFWS sa NAIA kaninang umaga at tiniyak na matatanggap nila ang kinakailangang tulong at suporta mula sa gobyerno.

 

Ang mga pilipino repatriated ay nabigyan ng agarang tulong pinansyal mula sa DMW AKSYON Fund, accommodation at transport services mula sa OWWA, medical assistance mula sa DOH, at psychosocial support mula sa DSWD. 

About The Author