![]()
Isa sa bawat apat na Pilipino ang nakasaksi o personal na nakaranas ng panloloko sa isang relasyon, ito’y ayon sa 2025 4th quarter ng 2025 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa Nov. 24-30, 2025 survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, 27% ng mga Pinoy ang nagsabing nakaranas ng ilang uri ng infidelity o pagtataksil habang 72% ang hindi nakaranas.
Sa mga nagsabing nakasaksi o nakaranas sila ng panloloko, pinaka-karaniwan ay physical cheating at emotional cheating, na kapwa naitala sa 11%.
Inilarawan ang physical cheating sa survey bilang pagkakaroon ng sexual o intimate activities o pakikipag-date sa iba kahit mayroon ng karelasyon.
Ang emotional cheating naman ay pagbabahagi ng personal na problema sa iba sa halip na sa partner o pagkahulog ng loob sa iba kahit walang physical relationship.
Samantala, lumitaw din sa survey na 43% ng mga Pinoy ang naniniwalang maari pa ring maibalik ang tiwala kasunod ng pagtataksil; 36% ang nagsabi na hindi na pwede habang 19% ang undecided.
