dzme1530.ph

2,600 trabaho, alok ng DOH sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-126 na Anibersaryo, may alok ang Department of Health na 2,600 bakanteng posisyon sa iba’t ibang DOH hospitals at medical facilities.

Bukas ang DOH Job Fair sa mga doktor, nurses, dentists, medical technologies, at psychologists.

May alok ding mga posisyon para sa mga naghahanap ng trabaho sa labas ng medical field.

Sinabi ni DOH Spokesman, Assistant Secretary Albert Domingo, na nationwide ito at napakalawak ng Salary Grade na ang ibig sabihin ay Entry level hanggang Executive ang mayroong vacant positions.

Sa mga interesadong aplikante, maaring bumisita sa pinakamalapit na DOH Job Fair location hanggang bukas, June 20.

Maari ring makita ang iba pang detalye sa social media page ng DOH.

About The Author