Umabot na sa mahigit 670-M katao sa buong mundo ang nabubuhay sa labis na kahirapan noong nakaraang taon.
Batay sa data na inilabas ng British-Founded Confederation na OxFam, dahil sa pandemya, nadagdagan ng 90-M ang nakaranas ng extreme poverty noong 2020, mas mataas ng 12% kumpara noong 2019.
Ayon kay Anthony Kamande, OxFam Global Inequality Research Coordinator, mas lalong lumala ang bilang ng mga mahihirap sa mundo dahil sa epekto ng COVID-19 kung saan bumaba ang antas ng ekonomiya at kumonti ang suplay ng pagkain sa lahat ng bansa.
Dagdag pa ng OxFam, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng pagkain at enerhiya ay bunsod pa rin ng digmaan sa Ukraine at posibleng magtulak pa sa 250-M tao sa ekstremong kahirapan.
Kung kaya’t umapela ang OxFam ng internasyonal na aksyon kabilang na ang pagkansela ng mga bayarin sa utang ng mga mahihirap na bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo