dzme1530.ph

25 babaeng inmates, patay sa gang rumble sa Honduras

Nasawi ang nasa 25 babaeng inmates matapos ang naganap na riot sa Centro Femenino De Adaptación Social (CEFAS) prison sa Honduras.

Kinumpirma ni Yuri Mora, tagapagsalita ng Prosecutors’ Office na gang rumble ang dahilan ng kaguluhan sa naturang jail facility.

Hindi aniya ito ang unang beses na nagkaroon ng madugong riot sa CEFAS prison dahil noong 2019 ay nakapagtala rin sila ng 18 nasawi dahil sa kaparehong rason.

Habang noong 2012 naman ay umabot sa halos 400 ang na-abo matapos ang sinadyang pagkasunog ng nabanggit na kulungan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author