dzme1530.ph

$24-B expansion plan ng Cebu Pacific na pinaka-malaki sa aviation history ng bansa, inilatag sa Pangulo

Welcome kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang $24-B expansion plan ng Cebu Pacific, na itong pinaka-malaking investment sa aviation history ng Pilipinas.

Sa courtesy call sa Malacañang, iprinisenta ng Top Cebu Pacific officials sa pangunguna ni CEB Chairman Lance Gokongwei, ang binding memorandum of understanding para sa pagbili ng 152 A32neo aircrafts sa European Multinational Aerospace Corp. na Airbus.

Ayon kay CEB Chief Executive Officer Michael Szucs, ang malaking hakbang ay nagpapakita ng kanilang kumpyansa sa direksyon ng bansa.

Malaking indikasyon din sa expansion plan ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport, at development ng New Bulacan Airport.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na napakagandang senyales ito para sa ekonomiya ng bansa.

About The Author