dzme1530.ph

23 tech voc graduates, lalaban sa 13th WorldSkills ASEAN Competition sa Singapore

Aabot sa 23 mga technical vocational graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang lilipad patungong Singapore upang lumaban para sa 13th WorldSkills ASEAN Competition.

Lalaban ang delegasyon ng Pilipinas sa mga skill areas tulad ng Automobile Technology, Beauty Therapy, Cooking, Electrical Installation, Electronics, Fashion Technology, Graphic Design Technology, Hairdressing, at marami pang iba.

Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, ang nasabing kompetisyon ay oportunidad para sa kanila na ipakita ang mga nakuhang skills ng mga graduates ng TESDA sa mga karatig-bansa sa ASEAN region.

Dagdag pa ng kalihim, tinitiyak ng ahensya na pasok sa international standards ang mga training programs na inaalok ng TESDA.

Positibo rin ang kalihim na makakakuha ng experience at kaalaman ang mga kalahok sa nasabing kompetisyon upang maging magtagumpay sila sa buhay.

Ang WorldSkills ASEAN Competition ay ginaganap tuwing dalawang taon upang magtagisan ng galing ang mga kabataan mula sa Timog Silangang Asya at ipakita ang kanilang mga talento at kakayahan sa mga skill categories. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author