dzme1530.ph

23 Pinoy seafarer ng MT Sounion na sinalakay ng Houthi nasa ligtas na kalagayan —DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas lahat ang 23 Filipino crew members ng MT Sounion, at ngayon ay patungo na sa isang ligtas na daungan.

Ito’y base sa impormasyon ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis at Philippine Defense Attaché kay Bahrain Captain Gacusan at kinumpirma ng Defense Attaché kay Abu Dhabi Captain Romeo Marana.

Ang oil tanker na pag-aari ng Greek ay naaanod matapos itong tamaan ng missile mula sa mga rebeldeng Houthi sa labas ng Yemeni port ng Hodeidah noong hapon ng Agosto 21, 2024 (oras sa Pilipinas).

Ang mga tripulante ay nailigtas ng French Navy bandang 2:10 PM (PHT) noong Agosto 22.

Tutulong naman ang DFA, DMW at OWWA, para sa agarang pagpapauwi ng mga marino at bibigyan sila ng pamahalaan ng psycho-social, financial, training at reintegration support pati ang kanilang pamilya. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author