dzme1530.ph

23 Pinoy na biktima ng scam syndicate sa Laos, nakauwi na sa bansa

Nasa 23 mga Filipino na biktima scam syndicate ang dumating ngayong umaga sa NAIA Terminal 3 mula Laos.

Agad naman silang sinalubong ni DFA Usec. Eduardo Jose de Vega kasama ang OWWA Airport Team.

Ang mga naturang Pinoy na binubuo ng 9 na kababaihan at 14 kalalakihan ay lulan ng PAL Flight PR733 na lumapag sa NAIA T3.

Ayon sa OWWA sila ay nailigtas mula sa scam syndicate kung saan pinangakuan sila ng magandang trabaho bilang mga customer service representative ngunit sila ay napilitang magtrabaho bilang mga scammer.

Ang matagumpay na pagbalik ng mga Pilipinong ito ay bahagi umano ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na protektahan at tulungan ang ating mga kababayang nalalagay sa peligro sa ibang bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author