dzme1530.ph

23 Jihadist, hinatulan ng kamatayan sa Libya

Hinatulan ng parusang kamatayan ng korte sa Libya ang 23 Jihadist.

Ang mga Jihadist na ito ang nakipaglaban kasama ang mga Islamic State group sa Libya kasunod ng pagbagsak ng authoritarian dictator na si Moamar Kadhafi.

Agosto ng nakaraang taon nang simulan ang paglilitis sa 320 miyembro ng Islamic State Jihadist kung saan 14 sa mga ito ang hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

Mayorya sa mga akusado ay Palestinian, Sudanese at Libyan.

Matatandaang taong 2015 nang kontrolin ng Islamic State ang Central Coast ngunit pinalayas din ng Tripoloi-Based Government of National Accord. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author