dzme1530.ph

22 international flight sa NAIA, kanselado dahil sa masamang lagay ng panahon

Bukod sa Air Asia na unang nag anunsyo ng kanselasyon sa kanilang biyahe mula Manila – Hong Kong Manila at Macao – Manila.

Kanselado na rin ang nasa 22 international flights dahil pa rin sa patuloy ng sama ng panahon sa mga destinasyon nito.

Sa abiso ng Media Affairs division Office ng Manila International Airport Authority (MIAA), nagsuspinde na rin ng biyahe ang Cathay Pacific para sa kanilang limang international flight biyaheng Manila – Hong Kong – Manila gaya ng: CX 930 Manila – Hong Kong; CX 918/919 Manila – Hong Kong – Manila; at CX 902/903 Manila – Hong Kong – Manila.

Dalawang flight naman sa Cebu Pacific ang kanselado na biyaheng 5J 110/111 Manila – Hong Kong – Manila.

Isang flight sa China Southern Airlines ang kanselado na biyaheng CZ 3091 Canton – Manila

Samantala, 11 flight naman ang kinansela ng Philippine Airlines kabilang ang 10 biyahe nito mula Manila – Hong Kong – Manila.

Dalawang flight mula Manila – Xiamen – Manila at dalawang flight naman mula Manila – Jinjiang – Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author