dzme1530.ph

21 armas na pag-aari ng co-accused ni Quiboloy, isinuko sa mga awtoridad

Kabuuang 21 armas na pag-aari ng isang Barangay Chairman sa Davao City at co-accused ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, pastor Apollo Quiboloy ang isinuko sa mga awtoridad.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, matagumpay na napabilis ang pagsuko ng mga armas ni Cresente Canada, sa pamamagitan ng kanilang flagship program na “Oplan Paglalansag Omega.”

Isinagawa ang pag-turnover ng mga armas sa KOJC compound sa Brgy. Buhangin, Davao City.

Si Canada na co-accused ni Quiboloy sa mga kasong child abuse at human trafficking, ay chairman ng Brgy. Tamayong kung saan matatagpuan ang KOJC prayer mountain at glory mountain.

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, na ipinagkatiwala ni Canada sa mga awtoridad ang lahat ng kanyang lisensyadong baril bilang gun sports collector.

About The Author