dzme1530.ph

20K pang Automated Counting Machines mula sa South Korea, darating sa bansa

Naghahanda na ang Comelec para sa delivery ng panibagong batch ng 20,000 Automated Counting Machines (ACMs) mula sa South Korea na inaasahang darating sa Agosto.

Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Customs (BOC) para sa pagdating ng mga makina na gawa ng service provider na Miru Systems.

Idinagdag ni Garcia na nais din nilang masubukan ang baterya ng mga makina, kung makakayanan nito ang init sa araw ng eleksyon sa Mayo ng susunod na taon.

Kahapon ay pinangunahan ng comelec chief ang demonstration ng prototype ng ACMs ng Miru sa harap ng mga mamamahayag.

Sinabi rin ng poll body na dalawampung ACMs na diniliver mula South Korea ang pumasa sa hardware acceptance test noong lunes, na ginanap sa kanilang warehouse sa Sta. Rosa, laguna.

About The Author