Magha-hire ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang mga guro matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang 20,000 bagong teaching positions para sa School Year 2025-2026.
Sa statement, inihayag ng DepEd na ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Sa pamamagitan ito ng pagtiyak na bawat mag-aaral ay mayroong access sa isang kwalipikadong guro.
Ang mga posisyon na kinabibilangan ng Teacher I, Special Needs Education Teacher, at Special Science Teacher I, ay ipamamahagi sa lahat ng rehiyon, batay sa school directories, enrollment data, at validated teacher shortages.