Inilathala ng Dicastery for Evangelization ng Holy See ang mga aktibidad ng Simbahang Katolika para sa pagdiriwang ng Jubilee Year 2025.
Magsisimula ang Jubilee 2025 sa pagbubukas ng Holy Door sa St. Peter’s Basilica sa December 24, bisperas ng Pasko at susundan naman ng pagbubukas sa iba pang Holy Doors sa major Papal Basilica sa Roma:
-Archbasilica of St John Lateran sa December 29, 2024;
-Basilica of St Mary Major sa January 01, 2025; at
-Basilica of St Paul Outside the Walls sa January 05, 2025.
Kabilang din sa activities ang bawat sektor o grupo sa loob at labas ng Simbahan tulad ng Jubilee for Youth, Jubilee for Workers, Jubilee for Migrants at iba pa.
Makakatanggap naman ng Plenary Indulgence ang mga Katoliko na magsasagawa ng mga itinakdang gawain o requirements ng Simbahan kabilang ang:
-Pilgrimage sa Roma o sa mga itinakdang lokal na Simbahan
-pangungumpisal
-pagdarasal lalo na sa intensyon ng Santo Papa
-paggawa ng “works of mercy”
-pagsisimba at pagtanggap sa Banal na Komunyon.
Nitong Huwebes, Mayo a-nueve ay pinangunahan ni Pope Francis sa Vatican ang opisyal na paglulunsad sa Jubilee 2025 na may temang “Pilgrims of Hope”.
Ayon sa Bull of Indiction na isinulat ni Pope Francis para sa Jubilee 2025 layunin nito na maging daan tungo sa kagustuhang muling mapaninago ang bawat Katoliko kahit na hindi alam ang hinaharap, mapanibago sa pamamagitan ng pag-asa.
Ang Jubilee Year ay ipinagdiriwang ng Simbahan kada 25 na taon. Huli itong ginanap noong 2000 kasabay ng pagpasok sa bagong milenyo na pinangunahan ni dating Pope John Paul II.
Inaasahan naman ng Holy See na aabot sa humigit-kumulang tatlumpung milyong katao ang daragsa sa Roma para sa Jubilee 2025.