dzme1530.ph

2025 Elections posibleng hindi maging matagumpay dahil sa Miru

Nababahala si Cagayan de Oro City 2nd Dist. Rep. Rufus Rodriguez, sa posibleng “failure of elections” sa 2025 kung hindi matutugunan ang isyu sa service provider na Miru Systems.

Ayon kay Rodriguez kahit ang Commission on Elections o COMELEC ay hindi maberipika ang impormasyon na nakitaan ng pagiging “incompetence” ang Miru Systems sa ilang automated elections na sila ang namahala sa ibang bansa.

Hindi rin nagustuhan ng kongresista ang pag-amin ni COMELEC Comm. Marlon Casquejo na hindi nila inalam sa ilang grupo na naglabas ng kapalpakan ng Miru.

Bagaman may sertipikasyon galing sa COMELEC na nagsasaad na “satisfactory performance” sa bansang Congo at Iraq, meron namang independent third-party sources na nagpresinta ng mga datos na nahirapan ang polling stations na mag-operate ng electronic voting machines.

Ang Miru Systems Ltd. Inc. ay isang Korean firm ang nakakupo sa P17.9-B contract para sa full automation ng 2025 Midterm Elections.

About The Author