dzme1530.ph

2025 BARMM elections, inaasahang magiging pinakamapayapa ayon sa Pangulo

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 2025 Bangsamoro Parliament Elections ang pinakamapayapang halalan na kanyang makikita.

Sa BARMM Mayors Conference sa Diamond Hotel sa Maynila, inihayag ng Pangulo na kampante siyang magiging matagumpay ang eleksyon, kaakibat ng pagiging payapa, accountable, at transparent.

Sinabi pa ni Marcos na hangad nila ang eleksyong hindi magulo, maliwanag ang resulta, at walang problema.

Kaugnay dito, hiniling ng Pangulo ang tulong ng Local BARMM Executives para sa maayos na halalan sa rehiyon.

Idaraos ang kauna-unahang eleksyon sa BARMM sa Mayo 12, 2025.

Samantala, hinikayat din ni Marcos ang stakeholders sa Mindanao na samantalahin ang oportunidad sa pagpapaunlad ng rehiyon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikipag-dayalogo.

About The Author