dzme1530.ph

2024 PBA All-Star Game, nagtapos sa tabla

Nagtapos ang 2024 PBA All-Star Game sa score na 140-140 draw, kagabi, sa University of St. La Salle gym sa Bacolod City.

Napag-iwanan ang team ni Mark Barroca ng 31 points laban sa koponan na pinamumunuan ni Japeth Aguilar, bago unti-unting nakahabol sa second half.

Itinuring na bayani ng Team Barroca si Robert Bolick matapos mag-ambag ng pinakamaraming puntos, kabilang na ang four-pointer sa huling labing walong segundo ng laro.

Walang overtime period matapos magkasundo ang mga team na mag-share nalang sa award.

Itinanghal naman sina Bolick at Aguilar bilang Most Valuable Players of the Game.

About The Author