Pormal nang tinanggap ng Kamara ang panukalang national budget para sa taong 2024.
Personal na isinumite ni Budget Sec. Amena Pangandaman ang National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P5.678-T.
Nagpasalamat si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Marcos administration sa maaga nitong pagsusumite ng NEP.
Dahil dito mahaba ang oras na pwedeng gugulin ng Kongreso sa pagbusisi sa nilalaman ng national budget.
Tiniyak din ni Romualdez kay Pang Bongbong Marcis, Jr. na bago ang bakasyon ng sesyon sa buwan ng Oktubre ay kanilang tatapusin at pagtitibayin sa Kamara ang national budget. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News