dzme1530.ph

2023 NATIONAL BUDGET APRUBADO NA SA THIRD AND FINAL READING NG SENADO

Inaprubahan na ng Senado na sa 3rd at Final Reading ang panukalang 2023 National Budget.
Halos dalawang oras lamang ang naging pagtalakay sa Period of Amendments ng mga senador para sa mga pag-amyenda bago aprubahan sa final reading ang General Appropriations Bill 2 sa botong 21-00.
Bago naman ang pag-apruba sa budget, inalmahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mabilisang aksyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa paggiit na hindi naman dapat tanggapin na lamang ang certification sa panukala mula sa Malacañang bilang urgent.
Iginiit ni Pimentel na ginagamit lamang ang certification sa ilang mga sirkumstansya tulad ng emergency, disaster o calamity subalit iginiit nina Senate President Migz Zubiri at Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi ito ang unang pagkakataon na sinertify as urgent ang panukalang budget.
Sa Committee Ammnedment ni Finance Secretary Sonny Angara isinulong ang realignment o paglipat ng pondo mula Confidential Fund ng ilang ahensya ng gobyerno sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.
Ayon kay Angara, nasa 153 million pesos na halaga ng Confidential Fund ng iba’t-ibang ahensya ang nailipat sa MOOE kabilang ang 100 million Confidential Fund ng Department of Education (DEPED) patungo sa MOOE o iba pang mga programa at proyekto ng Office of the Vice President.
Nag presinta naman si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ng kaanyang amyenda na ilipat na lang ang 100 million pesos na Intel Fund ng DEPED sa MOOE rin ng ahensya.
Partikular na pinalilipat ni Hontiveros ang 100 million pesos sa Healthy Learners Institution Program ng ahensya habang sinubukan din nitong mailipat ang nalalabing 50 million pesos na Intel Fund ng DEPED sa naturang programa pero hindi na ito tinanggap ni Angara.
Sa halip, prinesenta ni Angara na magtira ng 30 million pesos sa Intel Fund ng DEPED at 20 million pesos nalang ang idagdag rin sa support to schools and learners program ng ahensya.

About The Author