dzme1530.ph

2023 Map edition na inilathala ng China, ikinadismaya ng dating Senior Associate Justice ng SC

Ikinadismya ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio ang paglathala ng 2023 Map Edition ng China kung saan inilagay ang 10 dash line.

Ayon kay Carpio, nagdagdag na naman ang China dahil kung dati’y ipinaglalaban nila ang 9 dash line, ngayon ay ginawa nilang 10 dash line kasama ang isang dash sa bahagi ng west part ng Taiwan.

Dagdag ni Carpio, una nang lumabas ito nuong 1948 kung saan iginigiit ng China ang 11 dashes pero nuong 1950 ay nagkaroon ng kasunduan ang mga North Vietnamese sa Gulf of Tongkin at inalis ng China ang dalawang dash kaya naging 9 dash line.

Sinabi rin ni Carpio, na base sa Arbitral award ng United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS), walang basehan ang 9 dash line ng China mapa-legal man o historical, kaya mas walang legitimacy itong 10 dash line partikular sa maritime zone o Exclusive Economic Zone na lagpas sa territorial sea ng isang bansa. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author