dzme1530.ph

2021 performance-based bonus, posibleng matanggap ng mga guro sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo

Maaring matanggap ng mga guro ang kanilang 2021 performance-based bonus (PBB) sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, kapag naisumite ng lahat ng 15 rehiyon ang revised form na hinihingi ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Bringas na sa ngayon ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA pa lamang ang nakapagsumite sa DBM ng Form 1.0 ng school-based personnel, na requirement para mai-release ang pondo para sa PBB.

Samantala, ang mga guro sa National Capital Region, ay maaring mas maagang matanggap ang kanilang 2021 PBB makaraang mag-isyu ang DBM ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng mahigit P950.942-M sa DepEd para sa eligible school-based personnel sa rehiyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author